Halos ako’y mahulog sa aking kinauupuan habang pinapanood ko ang bagong pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Mula sa mga hugot lines na kanilang binato sa isa’t isa, lubos kong binibigyan ng pugay ang manunulat at gumawa netong pelikulang ito.
Hindi ninyo ma aappreciate ang pelikulang ito kapag hindi ninyo napanood ang “One more chance”. Mula sa linyang, “You had me at my best, she had me at my worst”, ito ang linya na lubusang tumatak sa bawat puso ng mga Pinoy na nakakarelate sa kwento nina Popoy at Basha.
Nung natuklasan ko na magkakaroon ng ikalawang yugto na pinamamagatan na “A second chance”, hinanap ko agad sa youtube ang kanilang trailer. Mula pa lamang sa trailer, alam na alam ko na papatok ito sa takilya.
Bakit ba sobrang affected ang mga manonood dito sa pelikulang ito? Unang una sa lahat, di hamak na napakagaling ang pagganap nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa likod ng mga karakter na si Popoy at Basha. Pangalawa, ipinakita dito ang realidad ng isang kwentong pagibig ng mag asawa. Hindi lang puros kilig at saya ang inilahad kundi ipinakita ang lahat ng poot at sakit sa buhay may asawa na nagbukas sa aking isipan na walang “Forever” kung hindi sisikapin ng dalawang tao na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Sa panahon ngayon, usong uso ang hiwalayan. Magkaroon lamang ng konting hindi pagkakaunawaan ay hahantong na agad sa decision na hiwalayan. Base sa aking analysis, hindi man ako psychologist pero may kanya kanyang pagpapasya ang tao. Ang decision na mahalin ang isang tao ay mahirap gawin ngunit sa gabay ng Panginoon ay hindi ito impossible. Kaya maganda talaga na ilagay sa sentro ng bawat relasyon ng mag asawa ang ating mahal na Hesukristo upang pagtibayin ito kahit anu mang sakuna ang dumaan.
Ang pag aasawa ay hindi madali. Hindi ko pa man nararanasan ay nakita ko ito sa samahan ng aking magulang. Madaming pagsubok ang kanilang hinarap at hanggang sa huli ay lubos na ipinaglaban nila ang isa’t isa hanggang sa tuluyang yumaong ang aking ama. Sabi ng aking ina, “Sulit ang lahat ng hirap at sakit dahil kayong mga anak ko ang aking pinanghuhugutan ng lakas kaya hindi ako bumibitaw sa samahan namin ng ama ninyo.” Ang masasabi ko lang ay … Wow! Isa kang dakilang ina at asawa.
Ito ang aking top 6 na hugot lines na nagustuhan ko sa pelikulang ito:
“Gusto na kitang iwan ngayon Poy. Gustong gusto ko na. Pero hindi ko gagawin kasi nangako ako na kahit ang hirap hirap mong mahalin, mamahalin kita. Kahit na nasasaktan ako, susubukan ko pa. Kasi nangako ako. I promised to love you even if it hurts and to love you more when it hurts.”
Mula sa linyang ito, dito ko nakita ang tibay ng pagmamahalan ng isang mag asawa. Sabi ng aming pari sa parokya namin sa tuwing nagbibigay siya ng sermon sa mga kinakasal, “Love is not a feeling, it is a decision”. Sa totoo lang, kung ang pag ibig ay ibabase lamang natin mula sa ating mga emosyon, masasabi natin na walang katotohanan na may “Forever” na magaganap. Ngayon ko naintindihan at nalaman na makikita mo kung gaano katagal ang samahan ng isang mag asawa base sa mga kilos at galaw nila. Kapag ang mag asawa ay sobrang sweet sa isa’t isa, bagong kasal o wala pang isang buwan ang kanilang samahan. Kapag sila ay magkatabi lamang at diring diri ang babae kapag mahalikan ng kanilang esposo, ibig sabihin ay ilang dekada na sila magkasama. Kaya sa tuwing ako ay nakakadalo sa isang annibersaryo ng isang mag asawa na ilang dekada ang pinagsamahan, ako ay natutuwa dahil nagkakaroon ako ng pag asa na nag eexist pa talaga ang “True love”.
“Bash wala na ang dating Popoy na pinakasalan mo. This is me at my worst. Kaya mo paba akong mahalin ng ganito?”
Dito ko na realize na hindi dapat maging basehan ang pagmamahal base sa kanilang strengths lamang. Kapag nakapamili na tayo ng taong mamahalin natin panghabang buhay dapat bukas sa ating kalooban na tanggapin sila ng buong buo despite sa kanilang mga kahinaan. Di naman natin malalaman ang buong pagkatao ng isang tao kapag hindi natin siya makasama sa iisang bubong. Dito papasok ang pagpapasya ng isang tao kung willing pang tanggapin at bigyan ng pangalawang pagkakataon sa kabila ng mga pagkakamali na nagawa man ng kanilang kabiyak.
“Kung nahihirapan kang pagkatiwalaan siya, pagkatiwalaan mo muna ang pagmamahal mo sa kanya.”
Ito ang mga linya na binitawan ng kaibigan nina Popoy at Basha na si Krissy (Dimples Romana). Kapag may pinagdadaanang pagsubok, maganda ay lumapit sa isang malapit na kaibigan na magbibigay ng “Words of wisdom” na magpapatibay sa inyong relasyon. Huwag lumapit sa mga taong na magbibigay lamang ng payo na hindi maganda. Huwag din natin idaan sa sugal o anu mang bisyo tulad ng alak at droga. Pansamantalang kaligayahan lamang ang maibibigay nito, hindi mabibigyan ng lunas ang problema. Mas maganda pa ay lumapit sa isang spiritual counselor para hindi magkaroon ng padalos dalos na pagpapasya na sa bandang huli ay pagsisisihan lamang.
“You want me to trust you but you can’t trust me. Because if you do you should’ve trusted me. Hindi mo sana tinago. Poy ‘di mo lang ito buhay, buhay natin ito. Poy asawa mo ako baka nakakalimutan mo.”
Gustong gusto ko itong linyang binitawan ni Basha dahil ang tiwala ay ang numero uno na nakakasira sa isang relasyon. Naiintindihan ko ang mga kalalakihan na hindi lahat ng bagay ay kailangan sabihin sa kanilang asawa ang lahat ng problema kung kaya nila itong solusyunan. Pero kapag ito ay makakaapekto na sa pagsasama bilang mag asawa, walang masama na magusap at mag “open up” kung ano man ang problema na inyong kinakaharap. Tandaan, ang komunikasyon ay isa sa importanteng sangkap upang pagtibayin ang isang relasyon.
“What if I made a different choice and a different life? I want to stop wondering what if and what is.”
Ito ang mga linyang binitawan ni Popoy nung mga panahon na sobrang mababa ang kanyang tingin sa sarili niya. Naku po…. Huwag na huwag natin itanong o ikumpara ang ating mga sarili sa mga dapat na naging decision sa buhay. Ang lahat ng ating mga decision ay may tulong at gabay ng ating Panginoon. Kung saan man tayo naroroon, dahil ito sa mga personal nating pasya. Wag na mag sisihan ba. Mas maganda yung mag look forward kung ano ang pwedeng mangyari kaysa mag hook up tayo sa mga dapat na naging decision natin. Wala na tayo magagawa eh, mag move on na lang tayo. Let’s live in the present.
“You are my ‘what was’, ‘what is’ and ‘what will be’.”
Boom! Eto ang wagas na linyang binitawan ni Basha sa huling scene ng pelikulang ito. Gustong gusto ko itong linyang ito dahil ipinapakita dito ang bukas palad na pagtanggap ni Basha sa buong pagkatao ni Popoy.